Inanunsyo ng Google ang kanilang planong paglagak ng $10-bilyon sa India sa susunod na lima hanggang pitong taon.
Ayon sa pamunuan ng Google, mamumuhunan sila para sa pagbuo ng mga produkto at serbisyo sa India.
Makatutulong umano ito sa mga negosyo para mas maging mayabong sa paggamit ng teknolohiya.
Tiwala umano ang Google sa kinabukasang ng India at sa pagyabong ng digital economy nito.