Lalo pang bumilis ang galaw ng Bagyong Carina habang papalayo sa Northern Luzon.
Ayon sa PAGASA ang sentro ng Bagyong Carina ay pinakahuling namataan sa layong 155 kilometro sa kanluran ng Basco, Batanes.
Taglay ng Bagyong Carina Ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 45 kilometro kada oras at may pagbugso na umaabot sa 55 kilometro kada oras.
Ang Bagyong Carina ay kumikilos pahilagang kanluran sa bilis na 25 kilometro kada oras.
Nananatili pa ring nakataas sa signal number 1 ang lalawigan ng Batanes.