Humingi na ng tulong ang grupong United Filipino Seafarers sa Inter-Agency Task Force para mapauwi na ang nasa mahigit 60,000 seafarer na stranded sa iba’t ibang parte ng mundo dahil sa krisis ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa presidente ng grupo na si Engineer Nelson Ramirez, kasama sa mga hindi makauwing Pinoy ay mga nagtatrabaho sa dagat, port o anchorage.
Ani Ramirez, tapos na ang mga kontrata ng naturang mga Pinoy na na-stranded ngunit hindi na-extend na ang kanilang kontrata dahil sa hirap sa pag-uwi sa bansa.
Ilan umano sa nagiging problema kung bakit stranded ang mga Pinoy seafarers ay dahil limitado lang ang mga pumapayag na lugar na dumaong sa kanila ang mga barko para makapagpalit ng crew.
Maging sa Pilipinas ay ang Port of Manila lamang umano ang pinapayagan ang crew change.
Paliwanag ni Maritime Industry Authority (MARINA) Administrator Vice Admiral Robert Empedrad, ito ay dahil ang naturang port lamang ang may kapasidad na mag-test at tumugon sa mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).