Tinawag ni Communist Party of the Philippines (CPP) Founder Jose Maria Sison si Pangulong Rodrigo Duterte na isa sa mga oligarchs sa bansa.
Ayon kay Sison, posibleng hindi alam ni Pangulong Duterte ang tunay na ibig sabihin ng terminong ‘oligarchy’.
Ani Sison, ang pangulo mismo ay isang chief political representative ng naglalakihang landlords at bureaucrat capitalists sa Pilipinas.
Una rito, sinabi ng pangulo na kahit wala siyang ginawang deklarasyon ng martial law ay kaniyang nabuwag ang oligarkiya sa bansa.