Umapela ang isang grupo sa mga kongresista na simulan na ring busisiin ang mga public utilities sa bansa na dapat na pagmamay-ari ng publiko.
Ayon sa Filipinos for Peace, Justice and Progress Movement, ngayon ang pagkakataon para kwestyunin ang mayayamang negosyante hinggil sa pagpapatakbo ng mga ito ng kuryente at tubig.
Sinabi ng grupo na hindi dapat matapos sa ABS-CBN ang pagbusisi sa kanilang karapatan sa pag-ere kun’di dapat itong ituloy sa operasyon ng Meralco, Manila Water at Maynilad.
Giit ng grupo, dapat pinatatakbo ng gobyerno ang kuryente at tubig at hindi lang ng mayayamang mga negosyante.