Isasailalim sa 15 araw na localized lockdown ang ilang bahagi ng lungsod ng Malabon.
Ang desisyon ay alinsunod sa napag-usapan sa pulong ng task force ng lungsod kontra sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa inilabas na pahayag ng pamahalaang lungsod ng Malabon, kabilang sa localized lockdown ang mga sumusunod na lugar:
- Bahagi ng P. Concepcion at Tumariz sa Barangay Tugatog,
- University Avenue Extension at Guava Street sa Barangay Potrero,
- 1st, 2nd,3rd,4th streets at C4 road sa Barangay Tañong,
- Gozon Letre at Phase 1 sa Barangay Tonsuya,
- At, block 14C sa Barangay Longos.
Ang localized lockdown ay ipatutupad simula, bukas, July 16 at tatagal hanggang sa July 30.