Bababa ang populasyon sa buong mundo sa pagtatapos ng siglo o sa pagsapit ng taong 2100.
Ayon sa grupo ng mga researchers mula sa mga kilalang unibersidad sa iba’t-ibang panig ng mundo, mas mababa ng 2 bilyon ang nakikita nilang populasyon ng mundo sa pagtatapos ng siglo dahil sa bumababang fertility rate at pagtanda ng papulasyon.
Sa katunayan, posible umanong hindi maabot ng 188 mula sa 195 mga bansa ang kailangang replacement threshold para mapanatili ang kanilang population level.
Samantala, halos kalahati umano ang ang mawawala sa papulasyon ng may 20 bansa kabilang ang Spain, Japan, Italy, Thailand, Portugal, South Korea at Poland.
Batay sa pagtaya ng researchers, aabot sa 8.8 billion ang populasyon ng mundo sa pagtatapos ng siglo, mas mababa ng dalawang bilyon sa projection ng United Nations.