Nalampasan na ng Department of Education (DepEd) ang adjusted target ng mga mag-e-enroll sa pampublikong paaralan ngayong taon.
Ayon sa DepEd, hanggang hapon ng July 14 ay nasa 20 milyon na ang nakapag-enroll sa public schools o 84% ng enrollee’s noong nakaraang school year.
Inaasahang malaki pa ang madadagdag dito ngayong huling araw ng enrollment.
Samantala, nasa isang milyon pa lamang umano ang mga nag-enroll sa mga pribadong paaralan.
Ayon sa DepEd, bukod sa kasisimula pa lamang ng enrollment sa mga pribadong paaralan, nasa 300,000 estudyante ang lumipat sa public schools.