Malapit nang buksan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) molecular laboratory sa Governor Celestino Gallares Hospital sa Tagbilaran City sa Bohol.
Ayon kay Dr. Mary Jean Loreche, chief pathologist ng DOH-Central Visayas, makatutulong ito sa testing capacity ng lalawigan.
Samantala, sinabi naman ni Governor Arthur Yap na sa oras na umarangkada na ang operasyon ng pasilidad ay luluwagan na nila ang ipinatutupad na curfew sa kanilang probinsya.