Isinusulong ni Senador Joel Villanueva ang pagkakaroon ng dagdag na benepisyo para sa mga manggagawang work-from-home.
Ayon kay Villanueva, chair ng senate committee on labor, dapat ay maamyendahan ang telecommuting act kung saan nakasaad dito na dapat ay makatanggap ng tax incentives ang mga home-based worker para mas maging epektibo ang mga ito sa kanilang trabaho.
Ani Villanueva, batay sa isang pagaaral tumataas ng 14% ang pagiging produktibo ng isang manggagawa kapag ito ay nagtatrabaho sa isang flexible at komportableng working environment.
Gayunman, sinabi ng senador na bagama’t dapat lahat ng manggagawa ay maaari sa work-from-home na set up, ngunit sadya umanong may uri ng mga trabaho na hindi maaaring dalhin sa kani-kanilang bahay ang kanilang mga gawain.