Tuloy-tuloy ang rehabilitasyon sa Marawi City sa kabila ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Katunayan, ayon kay Task Force Bangon Marawi Chairman Secretary Eduardo Del Rosario, target nilang matapos ito sa loob ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Tinawag ding positive development ni Del Rosario ang pagkaka-apruba ng 2020 budget para sa marawi rehabilitation na nagkakahalaga ng P3.56-B.