Magdaragdag ng mga bagong quarantine facilities at testing centers ang Philippine National Police (PNP).
Bukod dito, ayon kay PNP Chief PGen. Archie Gamboa, inatasan niya ang kanilang mga health personnel na magpatupad ng mas mahigpit na mga patakaran sa kanilang mga pasilidad.
Sa kasalukuyan, mayroon nang pitong quarantine at testing facilities ang PNP bilang bahagi ng supportive healthcare system para sa mga police frontliners na tumutugon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon kay Gamboa, ang mga ipinatayo nilang pasilidad ay accredited at aprubado ng Department of Health (DOH) at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID).
Samantala, sinegundahan din ng PNP chief ang sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na susuportahan nila ang mga local health officials sa pagbibigay ng seguridad sa mga nagsasagawa ng contact tracing at paghahanap ng mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19 upang dalhin ang mga ito sa mga isolation facilities.