Tinatayang 6,000 pulis na ang nasibak sa serbisyo mula nang maupong Philippine National Police (PNP) chief si General Archie Gamboa nuong October 2019.
Ayon kay Gamboa, nakita nyang napakaraming backlog cases nang maupo sya bilang officer in charge ng PNP.
Dahil dito, agad anya nyang ipinag utos na resolbahin ang mga nakabinbing kaso ng mga pulis na nagresulta nga sa pagkakasibak na ng halos anim na libong miyembro ng PNP.
Kabilang sa mga kasong kinasangkutan ng mga nasibak na pulis ay illegal drugs samantalang ang iba pa ay AWOL o absence without leave.