Pupuwedeng maging tutor ang ilang gurong nawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng ilang pribadong paaralan dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon ito kay Education Undersecretary for Planning and Operations Jesus Mateo sa gitna na rin nang pakikipag-usap nila sa local government units hinggil sa pagkuha sa mga nasabing guro bilang tutors.
Sinabi ni Mateo na maaaring maging tutor ang mga nasabing guro ng mga batang walang adult na tututok sa pagsasagawa ng distance learning ngayong pasukan.