Maaari na muling pumasok ang mga dayuhan sa Pilipinas simula sa unang araw ng Agosto.
Gayunman, may mga inilatag na kundisyon ang Inter Agency Task Force (IATF) sa pagpasok ng mga dayuhan sa bansa.
Una, tanging ang mga may dati nang visa ang papayagang makapasok sa Pilipinas at bawal pa rin ang new entry visa.
Dapat ay mayroon na silang pre booked accredited quarantine facility at pre booked coronavirus disease 2019 (COVID-19) testing provider.
Ayon sa IATF, ipatutupad rin ang maximum capacity para sa mga pumapasok na bansa, base sa petsa ng kanilang pagdating dahil prayoridad pa rin ang mga OFW’s na nagbabalik bansa.