Umakyat na sa halos 14 million ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.
Kasunod na rin ito ng mahigit 240,000 bagong kaso ng COVID-19 na naitala sa nakalipas na magdamag.
Nananatiling ang Estados Unidos ang mayroong pinakamaraming kaso ng nasabing virus na nasa halos apat na milyon na matapos makapagtala ng mahigit 73,000 bagong kaso.
Pumapangalawa ang Brazil na nakapagtala ng mahigit 43,000 bagong kaso ng COVID-19 habang mahigit 35,000 ang nadagdag na kaso sa India na nasa ikatlong puwesto.
Umakyat naman ang South Africa sa pang anim na bansa may pinakamaraming kaso matapos maungusan ang Chile at Mexico.
Nakapagtala rin ng mataas na kaso ng COVID-19 ang Russia, Peru, Spain at United Kingdom.
Samantala nasa halos 600,000 na ang nasawi sa buong mundo dahil sa COVID-19 at mahigit 7 milyon naman ang gumaling na.