Hindi mapu-puwersang lumipat sa isolation facilities na pinatatakbo ng gobyerno ang mga mayruong mild coronavirus disease 2019 (COVID-19) case na naka-confine sa mga ospital.
Ayon ito kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire at sa halip ay patapusin ang confinement ng mga ito hanggang maging asymptomatic kung mild case.
Pro active at hindi aniya retro active ang ginagawa ng gobyerno at karamihan sa mild cases na nasa mga ospital ay mayruong co morbidities o iba pang sakit na higit pang magpapahina sa kanila laban sa virus.
Binigyang diin pa ni Vergeire na batid naman ng government hospitals ang protocol na priority ang severe at critical cases.