Nilinaw ni Justice Secretary Menardo Guevarra na magiging epektibo na ang Republic Act No. 11479 o Anti-Terrorism Act of 2020 bukas, Hulyo 18, at hindi sa Linggo, Hulyo 19.
Ayon kay Guevarra, dahil nailathala na sa pahayagan o Official Gazette ang batas noon pang Hulyo 3, dapat itong ipatupad makalipas ang 15 araw.
Matatandaang binatikos ng ilang sektor ang ginawang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa anti-terror law dahil sa anila’y malabong definition ng salitang “terorismo” na posible umanong gamitin laban sa mga kritiko ng gobyerno.