Arestado ang isang negosyante na nagmamay-ari ng dalawang klinika sa Bangladesh.
Ito’y dahil sa umano’y pag-iisyu ng mga pekeng health certificates na nagsasaad na virus-free ang isang pasyente kahit na hindi naman sumalang sa coronavirus disease (COVID-19 test) ang mga ito.
Kinilala ang suspek na si Mohammad Shahed, 42 taong gulang, na nadakip habang nakasuot ng burqa o hijab at pasakay ng isang bangka patungong India.
Lumalabas sa imbestigasyon ng mga awtoridad na pinalabas ni Shahed na nakapagsagawa ng mahigit 10,000 tests ang kanyang mga ospital at klinika kahit na mahigit apat na libo lamang ang totoong naisagawa nito.
Nabunyag din na naniningil si Shahed sa kanilang mga pasyente gayung nakipagkasundo na ito sa gobyerno na libre ang kanilang mga serbisyo dahil sa pandemya.