Epektibo ngayong araw ang ipatutupad na localized enhanced community quarantine (ECQ) sa ilang lugar sa Pasig City matapos na tumaas ang kaso ng COVID-19 doon.
Sa Facebook post ni Pasig City Mayor Vico Sotto, sinabi nito, na simula ngayong araw ng Linggo, Hulyo 19, isasailalim na sa lockdown ang mga lugar ng Pipino, Labanos, Okra, at Ubas street, sa barangay Napico-Manggahan.
Mananatili aniya ang localized ECQ na ito, until further notice ng lokal na pamahalaan.
Pahayag ng alkalde, papayagan lamang na makalabas ng bahay ang mga nagtatrabaho at mayroong emergency o valid reasons.
Siniguro naman ni Sotto na tuloy-tuloy ang pamamahagi ng food packs sa mga apektadong residente nang sa gayuy mabawasan ang kanilang pangangailangang lumabas para bumili ng pagkain.