Malaking kawalan sa Quezon City ang pagsasara ng ABS-CBN.
Ayon kay Mayor Joy Belmonte, maliban sa buwis, malaking bahagi ng branding ng syudad ang ABS-CBN.
Dahil nga anya sa nasa Quezon City ang mga broadcast studios, tinatawag na city of stars, city of movies at city of entertainment ang Quezon City.
Naging malaking tulong rin anya sa maraming advocacies ng syudad ang ABS-CBN lalo na ang kanilang Bantay Bata Program.