Hindi prayoridad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang cha-cha o charter change sa kasalukuyan.
Ito ang tiniyak ni Presidential Spokesperson Harry Roque, matapos lumutang ang panukala ng mahigit 1,000 mga Municipal Mayors para amiyendahan ang konstitusyon.
Ayon kay Roque, nakatutok ang pangulo at buong gobyerno sa problema sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Dagdag ni Roque, hindi rin naman binabanggit ng pangulo ang pagpasa sa constitutional reforms sa kanyang linggohang pag-uulat sa bayan.