Pasok umano si dating Senador Panfilo “Ping” Lacson sa senatorial ticket ng Liberal Party (LP) bilang guest candidate.
Ayon sa report, naselyuhan ito matapos ang closed-door meeting sa pagitan nina LP standard bearer Mar Roxas at Senate President Franklin Drilon.
Hindi umano komporme ang ilang LP stalwarts sa pagkakasama ni Lacson sa senatorial slate ng administration party dahil sa kritisismo nito sa mga polisiya ng gobyernong Aquino.
Nakatakdang ianunsyo ng LP ang kanilang senatorial lineup bukas sa Balay, Cubao, Quezon City.
By Meann Tanbio