Iginiit ng Malacañang na kung mayroon mang dapat magreklamo sa pagkaka-edit ng talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte, iyon ay walang iba kundi mismo ang presidente.
Ito’y matapos tawagang pansin ng ilang mga mamamahayag ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa tila umano’y “sanitized” na talumpati ng pangulo noong ika-13 ng Hulyo sa Sulu.
Naging kontrobersiyal ang nasabing talumpati matapos mai-ere ang taped speech ng pangulo kung saan wala itong nabanggit tungkol sa pagbuwag sa oligarkiya at isyu sa ABS-CBN.
Ngunit mayroong kumalat na unedited audio recording mula sa nasabing event na dinaluhan ng pangulo kung saan nabanggit nito ang Ayala, Lopez family na nagmamay-ari ng ABS-CBN.