Umaabot na sa halos 100,000 mga balik-bansang OFW’s o Overseas Filipino Workers ang napa-uwi na ng pamahalaan sa kanilang mga probinsiya.
Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), nakauwi sa kani-kanilang probinsiya ang pinaka-huling batch ng 1,691 mga OFW noong sabado.
Pagtitiyak ng DOLE, pawang mga negatibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang mga OFW’s na pinauwi sa probinsiya.
Samantala, pumalo na sa mahigit 572,000 mga OFW’S na naapektuhan ng pandemiya ang natulungan na ng pamahalaan.
Batay sa datos ng DOLE at OWWA, mahigit 240,000 mga OFW’s ang nabigyan ng tulong sa ilalim ng akap o abot kamay ang pagtulong program ng DOLE habang mahigit 200,000 naman ang nakatanggap ng emergency aid.