Kinatigan ng Department of Justice (DOJ) ang posisyon ni National Privacy Commission (NPC) Commissioner Mon Liboro sa pagsasapubliko ng impormasyon ng nasawing high profile inmate ng New Bilibid Prison dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay justice Secretary Menardo Guevarra, tama ang pahayag ni liboro na hindi maaaring gamiting dahilan ang Data Privacy Law para pagkaitan ng impormasyon ang publiko.
Tulad na lamang aniya sa kaso pagkamatay ng high profile inmate na si Jaybee Sebastian na maituturing na ring public figure.
Gayunman, sinabi ni guevarra, sakaling ipalalabas din ang mga impormasyong ito, mas makabubuti aniya kung hihintayin na lamang ang resulta ng imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI).
Paliwanag ni guevarra, kanyang pinatututukan sa nbi ang pagsisiyasat para malaman ang katotohanan sa pagkasawi ni sebastian at walo pang high profile inmate sa nbp dahil sa COVID-19). —ulat ni Bert Mozo (Patrol 3)