Nakikipag-ugnayan ang Pilipinas sa mga American company upang matiyak na hindi mahuhuli ang bansa sa makatatanggap ng bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Philippine Ambassador to US Jose Manuel Romualdez, umaasa ang pamahalaan na mayroong ilalaang suplay ng bakuna ang Estados Unidos para sa Pilipinas.
Aniya, alam ng lahat na ang bakunang ito ay magiging mahalaga sa lahat ng bansa sa buong mundo, maging sila mismo umano sa Washington, DC ay nakikipag-ugnayan na sa iba pang kumpanya na tumutuklas ng bakuna gaya ng Pfizer, Johnson and Johnson at Moderna.
Sa ngayon umano ay nalilinya na ang Pilipinas sa mga inaasahang makatatanggap ng bakuna kontra COVID-19 sakaling available na ito.