Suspendido muna ang clearance opearation sa National Bureau of Investigation (NBI) simula ngayong araw, ika-22 ng Hulyo, hanggang sa araw ng Biyerne, ika-24 ng Hulyo.
Ayon sa NBI, ito’y para bigyang daan ang isasagawang disinfection sa lugar.
Para naman umano sa mga aplikanteng mayroon nang scheduled appointment na sakop ng nasabing mga petsa, mangyaring magtungo umano sa pinakamalapit na satellite office.