Ikinalugod ng Western Mindanao Command (Wesmincom) ang pagsasampa ng kasong murder at planting of evidence laban sa syam na pulis na responsable sa pagpatay sa apat na sundalo sa Jolo Sulu.
Ayon kay Lt. General Cirilito Sobejana, hepe ng Wesmincom, tututukan nila ang kaso upang matiyak na mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng apat nilang sundalo.
Malinaw anya na overkill at pagtraydor ang ginawang pagpatay sa kanyang sundalo, patunay ang mga tama ng bala sa kanilang likod.
Maganda’t nailabas yung katotohanan kung ano yung nangyari, that will dictate our subsequent action so, makikita namin na talagang bigyan ng katarungan yung pagkamatay ng aming mga kasamahan,” ani Sobejana. — panayam mula sa Ratsada Balita.