Malaking pagbabago ang dapat gawin sa konstitusyon kung nais ng mga local officials na matanggal ang term limit sa pagtakbo sa isang posisyon sa pamahalaan.
Ayon kay UP Professor Clarita Carlos, kung bubuhayin ang charter change, dapat ay ituloy na ang pagpapalit ng sistema ng pamahalaan tungo sa parliamentary system.
Masosolusyonan anya sa magandang paraan ang kagustuhan ng mga halal na opisyal na matanggal ang term limit sa ilalim ng parliamentary system dahil mapupuwersa ang mga partido pulitikal na magkaroon ng tunay na programa.
Ang political party ay meron siyang sariling plataporma at hindi sila magkakapareho tapos nagtu-turn sila, nagpapalit-palit sila ng political party. Paano na yan sa parliamentary system na ang pag-elect mo ng Prime Minister ay naaayon sa political party,” ani Carlos.
Naniniwala si Carlos na puwede pang ihabol ang cha-cha sa panahon ng Pangulo kung ang gagamitin na sistema ay constituent assembly.
Kasi nung umpisa palang yun talaga ang kanyang campaign, to shift from unitary to federal fortunately binitiwan nila kasi hindi naman magaling yung kanilang communications strategy, nagkaloko-loko. Sabagay ilang days na lang ba bago eleksyon? Parang 600 days na lang, siguro ang best way to do that is constituent assembly,” ani Carlos. — panayam mula sa Ratsada Balita.