Binasahan na ng sakdal sa kasong tax evasion si Maria Ressa, CEO ng Rappler.com sa Pasig RTC para sa ika-lima niyang tax evasion case.
Nagpasok ng not guilty plea si Ressa sa di umano’y kabiguan niyang magbigay ng tamang impormasyon sa value added tax return ng Rappler para sa second quarter ng 2015 na umaabot sa halos 300,000.
Ang naunang apat na tax evasion cases laban kay Ressa ay nakasampa sa court of tax appeals dahil umabot ito sa P1-milyong threshold.