Kumpiyansa si North Cotabato Governor Nancy Catamco na mabubuksan na sa loob ng dalawang buwan ang Central Mindanao Airport (CMA) sa lalawigan.
Kasabay ng kanyang pagdalaw sa bayan ng M’lang, sinabi ni Catamco na binigyan siya ng update ng mga project engineers ukol sa construction works, kabilang na ang mga bakod at daanan ng mga taxi.
Ipinaliwanag naman ni Engr. Cora Castillo ng Aperon Construction na target sana nilang tapusin ang proyekto ngayong buwan pero dahil sa masamang panahon ay naantala ito.
Inaasahang lalakas ang economic activities sa probinsya sa gitna ng pandemya dahil sa nabanggit na paliparan.