Sumampa na sa mahigit 15-milyon ang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.
Batay sa datos ng Agence France-Presse (AFP), naitala na ang 15,007,291 kaso ng nakahahawang virus sa buong daigdig mula noong kauna-unahang pagkakataon na lumitaw ang naturang pandemya noong nakaraang taon.
Kasunod nito, nakapagtala na rin ng 617,603 na bilang ng mga nasawi dahil sa virus.
Sa ngayon, ang Estados Unidos ang bansang pinakatinamaan ng pandemya na mayroong 3,915,780 kaso ng COVID-19, habang 142, 312 naman ang mga nasawi sa kanilang bansa.
Samantala, posible naman umanong bahagi lamang ng totoong estado ng mga kaso ng virus ang mga naturang bilang ng impeksyon.