Nababagalan si dating Health Secretary Esperanza Cabral sa pagtugon ng pamahalaan sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay Cabral, tama ang lahat ng ginagawa ng Department Of Health (DOH) subalit mas makakabuti kung magkakaroon ng urgency sa kanilang mga ginagawang aksyon.
Tinukoy ni Cabral ang hanggang ngayon anya ay late na pagpapalabas ng resulta ng COVID-19 testing.
Dahil anya sa tagal ng paglabas ng resulta ng tests, naikalat na ng isang positibo ang virus bago pa man niya malaman ang resulta.
Isa pa anya ang contact tracing na dapat sana ay pinaigting na sa mga unang buwan pa lamang ng quarantine at sa panahon ng ECQ kung saan lahat ng tao ay hindi puwedeng lumabas ng bahay.