Daan-daang locally stranded individuals (LSI’s) pa rin ang ilang araw nang nananatili sa Manila North Port Terminal.
Ayon sa isang LSI, malimit kasing makansela ang kanilang biyahe.
Miyerkoles ng gabi, nabawasan ng 300 ang mga LSI’s na nasa terminal makaraang matuloy na ang biyahe ng barko patungo ng Dumaguete at Zamboanga.
Inaasahan namang makakaalis ngayong araw ang mga patungo ng Ozamis City.