Irerekomenda ni Presidential Spokesman Harry Roque ang paggamit muli ng quarantine pass sa Metro Manila.
Ito, ayon kay Roque, ay para malimitahan ang galaw ng mga tao sa kalsada at mapuwersa ang mga itong manatili sa kanilang mga bahay.
Sinabi ni Roque na batay sa obserbasyon ng isang kakilala niyang nagtungo ng probinsya, kahit pa nasa modified general community quarantine (MGCQ) na ay hinahanapan pa rin rin ng quarantine pass ang mga tao para mahimok ang mga itong huwag nang lumabas.
Ang paggamit aniya muli ng quarantine pass ay mas magandang hakbangin kaysa i-lockdown na naman ang ekonomiya.
Magugunitang inihayag ni Roque na posibleng balik modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Metro Manila kapag pumalo na sa 85,000 ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) hanggang sa katapusan ng buwang ito.