Tiniyak ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na mayroong pera ang Pilipinas upang ipambili ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sakaling magkaroon na nito sa merkado.
Ayon kay BSP Governor Ben Diokno, hindi kailangang magbenta ng ari-arian ang Pilipinas para may maipambili ng bakuna.
Posible anyang nagbibiro lamang ang Pangulo nang banggitin nya ang hinggil sa pagbebenta ng ari-arian para magkaroon ng pondo sa bakuna.
Matatandaan na maging si Presidential Spokesman Harry Roque ay nauna nang nagpahayag na magbebenta ang gobyerno ng ari-arian para ipambili ng bakuna dahil buhay muna bago ari-arian ang posisyon ng Pangulo.