Wala pang nakikitang indikasyon ang Department of Health (DOH) na second wave na ng COVID-19 pandemic ang nararanasan ngayon ng bansa.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, pinag-aaralan pa nila ang sitwasyon sa kasalukuyan .
Matatandaan na apat na magkakasunod na araw na nakapagtala ng mahigit sa dalawang libong kaso ng COVID-19 ang Department of Health.