Tumaas ang trading ng shares ng Dito Telecommunity Group samantalang bumagsak naman ang sa Globe at PLDT/Smart.
Kasunod ito ng banta ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Globe at PLDT/Smart na ipasasara nya o ite-take over ng gobyerno ang mga telcos na mabibigong ayusin ang kanilang serbisyo hanggang sa katapusan ng taon.
Sa pagbubukas ng merkado ay agad nagrehistro ng 5.53% hanggang 8.27% na pagtaas ang Dito Telecom shares.
Samantala, bagsak naman ng 1.44% ang trading ng shares ng Globe Telecoms at 2.42% naman ang ibinaba ng shares ng PLDT.