Hinamon ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang kongreso na agad ipasa ang pagbuhay sa parusang kamatayan.
Ang pagbuhay sa death penalty ay matatandaang hiniling sa kongreso ng Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA).
Ayon kay VACC Founding Chairman at Presidential Anti-Corruption Commission Head Dante Jimenez, naniniwala syang may mas malalim na dahilan kaya’t hindi lumulusot sa kongreso ang pagbuhay sa death penalty.
Pagkakataon na anya ito ng mga mambabatas para patunayan na wala silang prino-protektahang sindikato.