Umarangkada na ang mobile serology testing clinics ng lokal na pamahalaan ng Manila City matapos itong ilunsad kahapon.
Ito ay bahagi na rin ng patuloy na pagsusumikap ng Manila City LGU na makapagsagawa ng mass testing sa lungsod sa gitna ng nagpapatuloy na banta sa COVID-19.
Ngayong araw, nakapuwesto ang dalawang truck ng mobile testing clinic sa Barangay 20, Parola Compound sa Tondo at Barangay 401 sa Sampaloc
Layunin ng mga mobile testing trucks ang agarang maisailalim sa test ang mga posibleng na-infect ng COVID-19 at mapigilan ang lalu pang pagkalat ng sakit.
May kapasidad ang bawat truck na sumuri ng umaabot sa isang daang blood samples kada araw.
Tulad ng naunang ipinatupad na drive thru at walk in COVID-19 testing center ng Manila City LGU, libreng mapakikinabangan ang mobile serology testing clinic.