Itinalaga ng Pangulong Rodrigo Duterte si Army Chief Lt. General Gilbert Gapay bilang bagong Armed Forces of the Philippines (AFP) chief.
Kasunod na rin ito ng nakatakdang pagreretiro ni AFP Chief General Filemon Santos sa August 4.
Nagpasalamat si Gapay sa Pangulong Duterte sa tiwala sa kaniya at makakatiyak aniya ang sambayanan na ipagpapatuloy niya ang mga magagandang nasimulan ng mga naunang inuno ng AFP para sa makapaglingkod ng tapat sa mga Pilipino.
Winelcome naman ng AFP ang kanilang bagong pinuno.
Una nang binisita ni Santos ang mga tropa sa Philippine Navy na nagbigay sa kaniya ng honorary flag rank command badge at Philippine Army na nagkaloo naman sa kaniya ng Combat Commander’s Kagitingan badge.
Kapwa nagbigay din ng briefing kay Santos ang mga hepe ng Navy at Army hinggil sa kanilang command accomplishments.