Pumalo na sa higit 50 ang bilang ng mga lumabag sa mga umiiral na safety protocols kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lungsod ng Navotas.
Sa inilabas na datos ng Navotas City Police, lumalabas na kabuuang 57 na ang nahuli ng mga awtoridad sa nakalipas na magdamag.
51 sa mga ito ay adult, habang 6 naman ay pawang mga menor-de-edad.
Dahil dito, lumobo na sa 6,136 ang bilang ng mga lockdown violators sa lungsod, magmula simulan ang lockdown nitong 16 ng Hulyo.
Kasunod nito, ayon sa pamahalaang lungsod ng Navotas, bagama’t matatapos na ang ipinatutupad na lockdown, mananatili ang ipinatutupad na 24-hour curfew para sa mga menor-de-edad.
Habang mula alas-8 ng gabi hanggang alas-5 ng madaling araw para sa mga adult.
Samantala, patuloy ang panawagan ng pamahalaang lungsod ng Navotas City na ipinagbabawal pa rin ang pagkukumpulan at nanatiling pinapayuhang laging magsuot ng facemask.