Pinalawig ng pamunuan ng Land Transportation Office (LTO) ang validity ng rehistro ng mga sasakyan.
Ayon sa LTO, ang naturang desisyon ang dahil sa mga pagsasara ng kanilang tanggapan dahil pa rin sa nagpapatuloy na banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Nauna rito, simula pa nuong Marso, ay kinansela na rin ang mga penalties para sa late registration ng mga sasakyan, maging sa pag-renew ng mga napaso nang lisensya.
Ayon naman kay LTO assistant secretary Edgar Galvante, extended din ng 30-araw ang pagbabayad ng penalty para sa mga sasakyan na ang plate number ay nagtatapos sa number 6 at nakatakdang mag-renew ng kanilang rehistro sa buwan ng Hunyo sa NCR, Laguna, Cebu, at Region III.
Bukod pa rito, pinalawig din ng lto ng 30-araw pa ang renewal ng rehistro sa mga sasakyang may plaka na nagtatapos sa 7,8,9, at 0 sa lahat ng mga tanggapan ng ahensya, na walang ipapataw na penalty sa mga may-ari nito.