Ipinatatawag at pinagpapaliwanag ni Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin ang ambassador ng Malaysia.
Ito’y matapos batikusin ng Malaysian Foreign Ministry at tinawag na iresponsable ang kanyang tweet na hindi bahagi ng Malaysia ang Sabah.
Matatandaan na ipinatawag rin ng Malaysian Foreign Ministry ang kinatawan ng Pilipinas sa Malaysia.
Sa kanyang panibagong tweet, sinabi ni Locsin na walang sinumang bansa ang puwedeng magdikta kung ano ang puwede at hindi nya puwedeng sabihin kaugnay sa isang bagay na itinuturing nyang pag-aari at bahagi ng Pilipinas.