Guguho ang ekonomiya ng bansa kapag bumalik sa mas mahigpit na quarantine ang Metro Manila.
Babala ito ni Senador Sonny Angara, chairman ng Senate Finance Committee sa harap pahayag ng malakanyang na posibleng ibalik ang Metro Manila sa modified enhanced community quarantine (MECQ) sakaling umabot sa 85,000 ang kasong coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Sinabi ni Angara na ang MECQ ay mangangahulugan ng pagbabawas muli ng kapasidad ng transportasyon at pagpapahinto sa operasyon ng ilang negosyo.
Ayon kay Angara, ang tamang pagtugon sa covid pandemic ay ang matutong mabuhay ang bawat pilipino na kasama ang virus.
Ang dapat lamang anyang gawin habang nabubuhay tayong kasama ang virus ay pag igtingin pa ang covid testing mapa-gobyerno man o pribado.