Tiniyak ni Lt. General Cirilito Sobejana, Commanding General ng Western Mindanao Command na hindi nya uurungan ang bagong hamon na pamunuan ang Philippine Army.
Ayon kay Sobejana, nalulungkot man syang iwan ang Bangsamoro Region kung saan matagal syang naglingkod bilang brigade, division at area commander tiyak naman anya na may mga bago syang hamon na haharapin bilang bagong Army Chief.
Si Sobejana ay tumanggap ng pinakamataas na pagkilala sa kagitingan ng isang sundalo ang medal of valor, noong 1995 nang pangunahan nya ang isang platoon na nakasagupa ng mahigit 150 miyembro ng Abu Sayyaf.
Bukod anya sa lawak ng masasakupan ay may malaki ring pagkakaiba ang trabaho ng area commander at ng hepe ng Philippine Army.
Papalitan ni Sobejana bilang Army Chief si Lt. General Gilbert Gapay na itinalagang susunod na hepe ng Armed Forces of the Philippines.
May pagkakaiba yung commander ng area command dahil you have the operational authority kapag area commander ka, kapag service commander naman or major service commander, like for example itong sa Philippine Army ikaw naman ay naka-focus sa capability build up para sa ganun magiging successful yung mga unified commanders sa pagsagawa ng kanilang campaigns,” ani Sobejana. — panayam mula sa Ratsada Balita.