Muling nakapagtala ng record high na dagdag kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ayon sa Department of Health (DOH) pumapalo sa 4,063 ang dagdag na kaso ng COVID-19 kayat pumapalo na sa 93,354 ang kabuuang kumpirmadong kaso COVID-19 sa bansa.
Nakapagtala naman ng 165 dagdag na gumaling sa sakit kaya’t umakyat na sa 65,178 ang total recoveries.
Kabilang sa mga nakapagtala ng pinakamataas na dagdag kaso ng COVID-19 ang National Capital Region – 2, 153 cases 69 na porsyento ng kabuuang kaso Region 7 o Central Visayas – 558 cases / 15% at Region 4A o Calabarzon – 492 cases / 13%.
Nasa 2,023 na ang kabuuang death toll matapos madagdagan ng 40 bagong nasawi sa COVID-19.
Naitala naman sa 26,153 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.