Wala pang pangangailangan sa ngayon upang obligahin ang publiko na magsuot ng face shield bilang panlaban sa COVID-19.
Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, nasa estado pa ng pag-aaral ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases hinggil dito.
Gayunman, nilinaw ni Lopez na hindi malabong obligahin na ang publiko sa pagsusuot ng face shield sa hinaharap kung hihingin ito ng pagkakataon.
Batay aniya sa pag-aaral, mainam na pangontra sa COVID-19 ang pagsusuot ng face shield dahil napipigilan nitong makapasok sa sistema ng katawan ang virus na siyang nagdudulot ng sakit sa isang indibiduwal.