Muling pinaalalahan ng iba’t ibang Lokal na Pamahalaan sa Metro Manila ang publiko hinggil sa umiiral na patakaran sa pagsusuot ng face mask sa labas ng kanilang mga tahanan.
Ilang mga LGUs rin sa Metro Manila ang nagpapataw ng multa laban sa sinumang lalabag sa nabanggit na patakaran.
Tulad na lamang ng Muntinlupa City kung saan pagmumultahin ng P300 sa first offense, P500 sa second offense, at P1,000 sa third offense ang mga mahuhuling walang suot n face mask sa mga pampublikong lugar.
Sa Parañaque City, maaaring pagmultahin ang susuway ng P1,000 naman ang multa o anim na oras na pagkakadetine sa first offense, P2,000 o siyam na oras na detention sa second offense, at P3,000 o kalahating araw ng detention sa third offense.
Samantala sa Makati, Pasay, at Manila city, maaari namang pagmultahn ng P1,000 hanggang P5,000 at may kaakibat na pagkakakulong ang mga lalabag sa protocol sa pagsusuot ng face mask.
Iginiit naman ng mga LGUs na layunin ng kanilang patakaran ang mahikayat ang lahat na palagiang magsuot ng face mask lalu na’t patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.